Ngayonmagbubukas ang registration, 8:00 AM

Tara, magparehistro tayo para sa 2028.

Sabihin mo lang kung alin ka. Gagawan ka namin ng plano: ano ang dadalhin, saan pupunta, at kailan.

3 hakbang lang

Libre ito. Kailangan mong pumunta nang personal, pero isang beses lang.

  1. Alamin kung eligible ka

    Filipino ka, 18 na sa May 2028, at 6 months na sa city o town mo.

  2. Ihanda ang form at ID

    Sagutan ang CEF-1 form. Magdala ng isang valid ID at isang photocopy nito.

    I-download ang CEF-1 form
  3. Pumunta sa COMELEC

    Sa local office o pop-up site. Kukunan ka ng photo, fingerprints at signature.

Anong ID ang pwede?

Isa lang ang kailangan. Dalhin ang original at isang photocopy.

Tinatanggap

  • National ID
  • Passport
  • Driver's license
  • Postal ID
  • UMID / SSS / GSIS
  • PRC ID
  • Student ID
  • Senior citizen ID
  • PWD ID
  • NBI clearance
  • IBP ID
  • NCIP certificate

Walang ID? Pwedeng manumpa para sa iyo ang isang registered voter sa precinct mo, o kamag-anak hanggang 4th degree. Hanggang 3 tao lang ang kaya nilang i-vouch.

Walang address ang ID mo? Magdala ng Affidavit of Identification na pinirmahan ng isang registered voter mula sa barangay mo.

Itanong muna

  • Library card

Binanggit ni Chair Garcia, pero wala pa sa official na listahan. Itanong muna sa office mo.

Hindi na tinatanggap

  • Barangay ID
  • Barangay certificate or clearance
  • Police clearance
  • Company ID
  • Cedula

Batay sa COMELEC Res. 10963 at mga anunsyo para sa cycle na ito. Huling check: Nov 9, 2026.

Saan ka pupunta?

Hanapin ang office ng city o town na tinitirhan mo. Doon ka magpaparehistro.

I-type ang city mo o gamitin ang location mo.

Mga address at mapa mula sa Sakay.ph COMELEC offices dataset (2021, ODbL) at OpenStreetMap. Baka may lumipat na office, kaya tingnan muna ang FB page nito bago pumunta. Hindi namin sine-save ang location mo. Sakay.ph dataset

Mula sa COMELEC at mga local office. Huling check: Nov 9, 2026. Tingnan ang FB page ng office bago pumunta. Lahat ng schedule sa COMELEC

Sino ang bumoto noong 2025

Haba ng bar = dami ng registered. Sa kanan, ilan ang talagang bumoto.

  • 18 hanggang 303 sa bawat 10 botante
    21.6M
    78.8%bumoto
  • 31 hanggang 595 sa bawat 10 botante
    35.3M
    85.5%bumoto
  • 60 pataas2 sa bawat 10 botante
    11.5M
    85.7%bumoto
Ang pinakabata ang pinakakaunting bumoto. Sa 2028, kaya nating baguhin iyan.Source: COMELEC 2025 NLE statistics

Para sa 2028

Mga madalas itanong

Wala rito ang tanong mo? Pinakasigurado pa rin ang local COMELEC office mo.

Bago ka pumunta

May bayad ba?

Wala. Libre ang registration, transfer at reactivation. Kung may naniningil o nag-aalok na "ayusin" ito para sa iyo, peke iyan.

Anong araw at oras bukas?

Martes – Biyernes, 8:00 AM – 6:00 PM. Sabado at holiday na may schedule, hanggang 5:00 PM. Sarado tuwing Linggo at Lunes.

Ano ang dadalhin ko?

Isang valid ID at isang photocopy nito. Kung walang address ang ID mo, magdala ng Affidavit of Identification na pinirmahan ng registered voter mula sa barangay mo. Mas mabilis kung sinagutan mo na ang CEF-1.

Pwede bang online lang?

Hindi, kailangan kang personal para sa photo, fingerprints at signature. Sa ilang office, pwedeng online ang correction, reactivation at same-city transfer.

May priority lane ba?

Oo, para sa senior citizens, PWDs at buntis. First come, first served ang iba.

Kailangan ko bang i-print ang CEF-1?

Hindi kailangan, pero mas mabilis kung sinagutan mo na. May form din sa office.

Ang status mo

Paano ko malalaman kung registered pa ako?

Gamitin ang COMELEC Precinct Finder (precinctfinder.comelec.gov.ph). Kung wala ka roon, itanong sa local office mo.

Bakit ako na-deactivate?

Kadalasan dahil hindi ka bumoto sa 2 magkasunod na regular na eleksyon. Mag-apply ng reactivation. Huwag magparehistro ulit bilang bago, dahil bawal ang double registration.

Kailan ako magiging registered?

Kapag inaprubahan na ng Election Registration Board ang application mo. Nagmi-meeting ito kada quarter.

May voter's ID pa ba?

Matagal nang hindi regular na nagbibigay ng voter's ID ang COMELEC. Kung kailangan mo ng patunay, humingi ng Voter's Certification.

Ang sitwasyon mo

17 pa lang ako. Pwede na ba?

Oo, basta 18 ka na sa araw ng eleksyon sa May 2028.

Pwede ba akong magparehistro sa ibang city?

Sa tinitirhan mo ka boboto, pero pwede kang mag-file sa Register Anywhere o pop-up site kahit saan. Ipapadala ito sa office ng city mo.

Lumipat ako ng tirahan. Saan ako pupunta?

Sa COMELEC office ng city o town na tinitirhan mo ngayon. Transfer ang i-apply mo.

Mali ang pangalan ko sa record, o nagpakasal ako.

Mag-apply ng correction of entries o change of name sa parehong registration period.

Nasa abroad ako.

Overseas voting ang para sa iyo, sa embassy o consulate. Bukas ito hanggang Sep 30, 2027.

Taga-Naga City o Batanes ako. Bukas na ba sa Nov 10?

Hindi pa. May botohan pa roon ngayong November (Naga sa Nov 21, Batanes sa Nov 28), kaya magbubukas ang registration mga isang linggo pagkatapos nito.

Tungkol sa amin

Konektado ba kayo sa COMELEC?

Hindi. Independent at nonpartisan kami, at laging naka-link ang official na source.

Nakapagparehistro ka na?

Gawin ang Botante Pass mo at ipakita sa barkada.

Unang boto mo ba ito?
botanteRehistrado
Botante
Botante sa Cebu City
HenerasyonGen Z
EleksyonMay 2028
Unang botoOo

Rehistrado na ako para sa May 2028. Ikaw?

May tanong ka?Mag-type o pumili